- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Noel Cabangon
-
Pauwi Na!
Ako'y pauwi na sa ating bayan Lupang sinisinta, bayang sinilangan Ako'y nananabik na ika'y masilayan Pagkat malaon din akong nawalay Sa ating inang bayan Ang aking dala-dala'y “Sang maleta ng karanasan Bitbit ko sa 'king balikat Ang binuno sa ibang bayan Hawak ko sa 'king kamay Ang pag-asang inaasam Na sana'y matupad na rin ang pangarap Na magandang kinabukasan Bayan ko ako'y pauwi na Ako'y sabik na ika'y makasama Bayan ko ako ay nariyan na Ating pagsaluhan… Ang pag-asang dala-dala Ako'y pauwi na sa aming tahanan Find more lyrics at ※ Mojim.com Sa mahal kong asawa, mga anak at kaibigan Ako'y nananabik na kayo ay mahagkan Pagkat tunay ang pangungulila Dito sa ibang bayan Ang aking dala-dala'y 'Sang maleta ng pagmamahal Bitbit ko sa 'king balikat Ang pangakong matibay Hawak ko sa 'king kamay Ang pag-asang inaasam Na sana'y matupad na rin ang pangarap Na magandang kinabukasan Mahal ko ako'y pauwi na Ako'y sabik na kayo ay makasama Mahal ko ako ay nariyan na Ating pagsaluhan ang pag-asang dala-dala
-
|